Monday, August 3, 2009

PANANAMIT SA LOOB NG SIMBAHAN

Isa Sa mga nakakalungkot na tanawin tuwing ako ay nasa simbahan ay ang Makita ang mga nagsisimba na nakadamit pambahay. Ang ibig kung sabihin na shorts lang. Ang iba naman ay naka.sleeveless, midribs, tube at iba pang pananamit na hindi dapat isuot sa loob ng simbahan. Minsan tuloy napag-isipisip ako kung alam kaya ng mga taong ito ang kaibahan ng Mall at ng Simbahan, ng palengke at simbahan, ng sala nila sa bahay at ng simbahan, o alam kaya nila ang kaibahan ng Bar at ng Simbahan. Nakakatawang isipin na kaliit ng bagay na ito ito pa ang aking pinagtuonan ng pansin. Kasi naman po, hindi lang isa o dalawa ka tao ang nakausap ko tungkol ditto kundi marami na rin, at karamihan sa kanila ay mga kabataang lalake at ang iba ay matatandang kababaihan ang minsan na ring nagreklamo sa akin. Wala naman akong magawa sabi ko. Pero sabi nila may magagawa raw ako bilang aktibong taong simbahan.
Totoo nga naman may nagawa ako. Nag-umpisa ako sa aming pamilya, ang mga kapatid kong mga babae ay hindi ko na pinagsusuot ng mga pantalon pag-pumupunta sa simbahan, naka bistida na sila o kaya naman skirt at blouse na ang isinusuot nila. Dagdag pa nyan ay hindi nawawala ang belo sa kanilang ulo sa pagsasamba. Ang gandang pagmasdan. Ngunit hindi lang haggang duon ang kagandahan ng pagsusuot nila ng maayos. Dahil ang pagsusuot ng maayos ay isang pagalang sa iyong Panginoon. Bakit naman? Eh, dib a pag pumunta ka sa isang party maayos ang suot mo? Di ba pagpumunta ka sa kasalan eh… damit pangkasalan din ang suot mo? Maliban na lang segiro kung kusenero o kusenera ka e... maiiba talaga ang dmit mo. Napansin ko rin pag-nag-aaply ng trabaho, ang aayos ng mga damit. Kaya naman do ba dapat masmaayos ang pananamit sa loob ng simbahan. Kahit naman seguro kahit gaanu kahirap may dmait naman na hindi malaswa na maaring isuot. Di ba’t mas mahal pa nga ang mga damit na mahahalay.
Aba igalang naman natin ang ating sarili, dahil kapaghinubaran mo na halos ang iyong katawan sa publiko lalo na’t sa simbahan. Anu pa ba ang maipagmamalaki mo? Hindi lang yan, nandamay ka pa ng iba na magkasala. Tulad ng isang binata na nagsabi sa akin, sabi niya: ‘Wala naman pong kwenta kapag- ako po ay magsisimba, dahil ang mga nakikita ko halos mga nakahubad na katawan ng mga babae. Magkakasala din po ako lalo na’t kitangkita ang mga masisilan na bahagi ng kanilang mga katawan. Mabuti pa pos a bahay na lang po ako.” Mga mga kababaihan din naman na hanggang sa ngayon ay nagging tapat sa kaayusan at wastong pananamit sa loob ng simabhan. Minsan nagkaroon kami ng reccolection sa isang monasteryo may mga mahigit 50 ka tao ang naroon at karamihan ay mga kadalagahan. Nung, nag-umpisa ang Misa nagtaka ako, kasi nakita ko parang matatanda lahat ang nasa harapan ko. ‘Nasaan na ang mga kabataan? Sabi ko sa sarili. Nakita ko kasi na mga mahahaba ang manggas ng mga babae na nasa harapan kop at naka-belo pa sila ang iba itim at ang iba naman puti.
Baka naman sabihin ng iba na, bakit sa ibang bansa walang damit ang mga tao du’on pagnagmimisa. Seguro po ang tinutukoy ay ang mga tribo ng mga ibat-ibang misyon area. Eh syempre naman ganun na talaga sila. At tinuturuan na rin sila na magdamit. Kapatid eh, kung gusto mo talaga na makita ang pusod at dibdib mo, eh di dun ka na tumira kasama nila, para pagnagsimba ka OK lang, walang masasaktan, walang masasagasa-an, walang matutukso.
Ang Mahal na Birhen Maria, nu’ng siyay nagpakita sa tatlong bata sa Fatima, sina Lucia, Francisco at Jacinta, ay kanyang winika na huwag nawang gawing ugali ang pagdadamit ng mga malalaswa. Hindi nga dapat dapat rin naman talagang iwasan ng isang matino na tao ang hindi kaaya-ayang kasuotan lalo na sa oras ng pagsamba. Sana naman po gamitin natin ang ating wastyong kaisipan, maging maayos nawa sa ating pananamit sa loob ng simbahan. Maraming salamat po.

1 comment:

  1. Dapat na makita sa kilos at pananamit naten ang ating dios na sinasamba,maayos at malinis.Sakit.info

    ReplyDelete